Panuto: Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghahambing sa bawat pangungusap at tukuyin kung anong uri ng paghahambing ito (Magkatulad, Pasahol o Palamang). 1. Ang salawikain at kasabihan ay parehong may gintong aral. 2. Di hamak na masayang pag-aralan ang kultura natin kaysa sa iba. 3. Di-gaanong mahusay sa teknolohiya ang mga tao noon kaysa ngayon. 4. Higit na nakaaaliw malaman ang kultura ng mga katutubo noon kaysa ngayon. 5. Di-gaanong masaya mag-feysbuk kaysa makipaglaro sa labas.