Heograpiya ang tawag sa pag-aaral o larangan ng agham na nakatuon sa paglalarawan ng daigdig kabilang ang katangian ng lupain, lokasyon nito, mga naninirahan o populasyon. Maaari din itong tumukoy sa pag-unawa sa daigdig at sa mga tao nito.
Nahahati ang heograpiya sa dalawang sangay — ang Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Kultural o Heograpiyang Pantao.
Sa Heograpiyang pisikal, sinasakop ng pag-aaral na ito ang natural na proseso ng pagbabago ng kapaligiran sa pamamagitan ng pag-aaral ng klima, heolohiya, at biology. Kasama rin dito ang pag-aaral sa ibang sangay ng agham pangkalikasan.
Sa Heograpiyang pangkultural naman, na kilala rin bilang heograpiyang pantao, ang mga aktibidad at pagbabago naman ng tao ang tinitignan at kung paano nakaaapekto ang kapaligiran o ang kalupaan sa mga kaganapang ito.
#SFXC