Ano-ano ang limang tema ng heograpiya?​

Sagot :

Answer:

lokasyon, lugar, rehiyion, paggalaw, interaksyon ng tao sa kapaligiran

Explanation:

hope it helps.

5 Tema ng Heograpiya

1.) Lokasyon

  • Ito ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
  • Sinasagot ng temang ito ang "Saan?".
  • Dalawang paraan sa pagtukoy ng lokasyon: Lokasyong Absolute at Relatibong Lokasyon

2.) Lugar

  • Ito ay tumutukoy sa mga natatanging katangian ng isang pook.
  • Dalawang paraan ng paglalarawan ng lugar: Katangiang pisikal at Katangiang pantao
  • Sinasagot ng temang ito ang "Ano ang mayroon dito?".

3.) Rehiyon

  • Ito ay tumutukoy sa mga bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal, kultural, at politikal.
  • Sinasagot ng temang ito ang tanong na "Ano ang pagkakatulad ng mga lugar?".

4.) Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran

  • Ito ay tumutukoy sa kung paano nakikipag-ugnayan ang mga tao sa kaniyang paligid sa pamamagitan ng pakikiayon at pagbabago ng tao base sa kaniyang paligid.
  • Sinasagot ng temang ito ang tanong na "Anong uri ng pamumuhay mayroon sa isang lugar?".

5.) Paggalaw

  • Ito ay tumutukoy sa paglipat ng tao, likas na pangyayari, ideya, mga sakit, at produkto sa iba't ibang lugar.
  • Sinasagot nito ang tanong na "Paano nauugnay ang mga lugar sa isa't isa at sa mundo?".