Panuto: Basahin ang maikling tula at sagutin ang sumusunod na tanong. Sagutin: Matalinong Pagpapasiya (Sinulat ni: Arlene Quijano-Egca) Likas sa isang tao ang pagiging magaling, Kung sa pagpapasya, mapanuring pag-iisip ang gamitin, Timbangin nang husto mga problema at suliranin, Iwasan ang pabigla-biglang bugso ng damdamin. Maraming pagkakataon na tayo'y nalugmok, Sa di-inaasahang problema't pagsubok, Nagkagayunman pilit pa ring bumabangon, Wastong pagpapasiya ay handang isulong. Bawat desisyon ay sadyang pakaingatan, Nang sa ganoon, walang masasaktan, Maingat na pag-iisip ating pahalagahan Kabutihan ng lahat, dapat isa-alang-alang. Mga bagay na may kinalaman sa ating sarili, Mapanuring pag-iisip, tatag ng loob at pag-uugali, Nagsisilbing daan sa matalinong pagpapasiya, Para sa kapakanan ng bawat isa! 1. Ano ang ipinahihiwatig na kaisipan sa tulang iyong binasa? 2. Ano ang dapat mong gawin bago ang pagpapasya? 3. Ano ang kahalagahan ng mapanuring pag-iisip sa pagbuo ng isang desisyon? 4. Ano ang magiging epekto ng biglaang pagpapasya? 8 5. Ano ang mga katangian na may kinalaman sa matalino o mapanuring pagpapasya na dapat taglayin ng bawat isa? 6. Paano nakatutulong ang mga katangiang nabanggit sa paggawa ng isang desisyon? 7. Bakit kailangang maging responsable sa mga bagay na iyong gagawin? 8. Magbahagi ng isang suliranin na iyong naranasan o maaaring kasalukuyan mong nararanasan.. Ikuwento mo ito, isulat sa iyong kuwaderno kung paano mo ito hinarap.

Pasagot Po 1 to 8​


Panuto Basahin Ang Maikling Tula At Sagutin Ang Sumusunod Na Tanong Sagutin Matalinong Pagpapasiya Sinulat Ni Arlene QuijanoEgca Likas Sa Isang Tao Ang Pagiging class=