C.Panuto. Tukuyin kung anong uri ng paghahambing ang nasa loob ng pangungusap. Isulat ang PM - kung pahambing na magkatulad at PDM-kung pahambing na di magkatulad. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
11. Higit na maraming mag-aaral ang pumasok ngayon kaysa kahapon.
12. Kapwa silang mababait na magkakapatid.
13. Sinlambot ng bulak ang kanyang mga palad.
14. Pareho silang may paninindigan ng kanyang kaibigan.
15. Mas maganda pakiramdam niya ngayon kaysa noong nakaraang araw.