GAWAIN 1:
PANUTO: Basahin ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang K kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at O naman kung opinyon lamang.
1. Nakatulong ang estratehikong lokasyon ng Pilipinas hindi lamang sa pagsulong ng kabuhayan ng bansa kundi maging ang pag-usbong ng liberal na kaisipan.

2. Sa pagbubukas ng Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan, napaikli nito ang ruta ng paglalakbay mula sa Pilipinas patungong Europa.

3. May konsepto na ng bansa o nasyon ang mga Pilipino bago pa man nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas.

4. Sa ilalim ng batas ng Dekreto ng Edukasyon ng 1863, nagkaroon ng karapatang makapag-aral ang mga Pilipino sa mga paaralang Espanyol.

5. Noong panahon ng Espanyol, magkabukod ang pampublikong paaralan ng mga kalalakihan sa kababaihan

6. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipinong maunawaan ang iba’t ibang paniniwala at ideya mula sa mga bansang Kanluranin ng buksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan.

7. Nakatulong ang edukasyon sa pagbubukas ng mga mata ng mga Pilipino upang magising ang diwang makabansa nito.

8. Nakatulong nang malaki sa pagsulong ng damdaming nasyonalismo ang pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga anak ng mga Pilipinong maykaya o yaong kabilang sa panggitnang uri.

9. Si Gob. Hen. Carlos Maria de la Torre ay kinatakutan ng maraming Pilipino dahil sa maling pamamalakad at pagmamalupit nito.

10. Ang mga principalia o ilustrado na nakapag-aral sa ibang bansa ay naimpluwensyahan ng mga kaisipang kanluranin na naging daan upang makalimutan nila ang bansang Pilipinas at ang kultura nito.