Sagot :
Answer:
Ang aking masasabi sa kultura ng mga pangkat. Masasabi ko na ang mga kultura ng pangkat etniko ay kakikitaan ng simple at payak. Masasabi ko rin na kakikitaan ang mga kultura ng pagiging misteryoso, malalim, malikha at masining. Ang mga kultura ay nagsasalamin ng pinagmulan ng isa. Kaya masasabi ko sa mga kultura ng pangkat etniko ay kitang kita dito ang kanilang pagkato bilang isang pangkat at kung saan sila nagmula na pamayanan.
Explanation:
Answer:
Ang malawak na lupain ng Asya ay pinaninirahan at katatagpuan ng iba't ibang pangkat-etniko. Ang mga pangkat etnikong ito ay may kanya-kanyang katangiang pisikal at paraan ng pamumuhay. Sila ay gumawa ng mga angkop na pakikibagay sa kani-kanilang kapaligirang kinaroroonan. Nakayanan nilang mamuhay sa uri ng klima sa kanilang lugar. Nakalikha sila ng mga bagay at paraan ng ikabubuhay na nagbigay daan sa paglinang nila ng sariling kultura. Sa pagdaraan ng panahon, naapektuhan ng mga pagbabago ang kanilang pamumuhay dala ng pag-usbong ng mga bagong uri ng kultura, paghina ng tradisyonal na kultura at pagsasanib ng mga kultura. Sila ay bahagi ng yamang tao sa Asya.