Answer:
Ang 'alamat' ay isang uri ng salaysay na hinggil sa mga likhang-isip na mga karakter na sumasalamin sa mga uri ng mamamayan. Ito ay ginamit ng mga sinaunang tao upang ipaliwanag o ikwento ang mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Ang mga alamat ay kalimitang nagsasalaysay ng mga pangyayari ayun sa tunay na tao at lugar na mayroong koneksyon sa kasaysayan. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay, "Ang Alamat ng Pilipinas", "Ang Alamat ni Mariang Makiling", Ang Alamat ng Sampung Datu" at iba pa. Sa kabilang banda ang 'mito' ay isang uri ng salaysay na hingil sa pinagmulan ng sansinukuban, kwento ng tao, ang mahiwagang linikha at ang kalipunan ng iba't ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa. Ang mga halimbawa ng mga ito ay," Ang Dios ng ating mga Ninuno (at Paninimula ng Unang Pulo)", "Puting Pusa" at "Tatlong Lalaking Luko-luko".
Explanation: