Mayroong mga anunsiyo o patalastas na lubhang kaakit- kaakit o kapani paniwala. May mga pelikula o programa sa radyo at telebisyon na nagtataglay ng karahasan, kalaswaan May mga nababasa sa mga libro, dyaryo, magasin o internet na hindi tama ang impormasyon. May mga nabubuksan ding website kahit hindi pa angkop sa iyong edad ang nilalaman nito.