PAGTATAYA A. Panuto: Maghinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa akdang napakinggan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Kapag nalaman ng ibang hayop kung paanong namatay ang baboy-ramo dahil sa panlilinlang ni Pilandok. Ano kaya ang kanilang gagawin? a. Iiwas sila at hindi na makikipagkaibigan o lalapit kay Pilandok b. Sasaktan o gaganti sila kay Pilandok c. Pupurihin nila si Pilandok sa kanyang ginawa 2. Naisahan naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag- krus uli ang landas ng dalawa? a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok b. Muli na namang maiisahan ni Pilandok ang buwaya c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya 3. "Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom na ako! Niloloko mo lang yata ako eh." Sa pananalita ng baboy-ramo, ating mahihinuha na siya ay... a. galit na galit b. nagbabanta c. napapagod 4. Sa iyong pananaw, bakit kaya hindi binitawan ng buwaya ang paa ni Pilandok nang una nitong sunggaban? a. Dahil gutom na gutom ang buwaya. b. Dahil galit na galit ang buwaya. c. Dahil sanay na kasi itong naiisahan. 5. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon at gagawin ni Pilandok matapos nitong matalo sa karera laban sa maliit na suso? a. Magagalit si Pilandok. b. Hahamunin muli ang maliit na suso sa isang karera. c. Tatanggapin ang pagkatalo at iiwasan na nito ang panlilinlang 6. Bakit kaya hinamon ni Pilandok ang maliit na suso sa isang karera? a. Nagmayabang at minaliit ni Pilandok ang kakayahan ng isang suso. b. Upang maipakita sa lahat ng mga hayop na siya ay mabilis. c. Dahil sa kagustuhan nitong matalo ang maliit na suso. 7. Sa pagkatalo ni Pilandok sa isang maliit na suso, ano ang mensaheng ibig nitong ipabatid?​