GAWIN AT SURIIN NATIN
Gawain 1
Panuto: Piliin ang salitang nasa loob ng panaklong na hindi kabilang sa kahulugan o pagpapakahulugan ng salitang nakasulat nang pahilis sa loob ng pangungusap.

1.) Nang lumaganap ang pandemyang COVID 19,ang buong mundo ay naliligalig. (nababahala,nag-aalala,natutuwa)

2.)Mapanibughuing babae si Lira. Kahit sinong kasamang babae ng kanyang asawa ay kanyang pinagduduhan. (tampuhin,selosa,mainggitin)

3.)Pagkaalam ng bansa na may epindemya. karaka-rakang nanawagan ang Pangulo sa lahat na manatili muna sa bahay. (paulit-ulit,agaran,madalian)

4.)Umalis na lamang ang pulubi nang makitang nakapinid na ang pinto ng simbahan. (nakasara,nakaangat,nakatiklop)

5.)Natunton ng mga pulis ang pinagtataguan ng mga magnanakaw. (nalaman,nadiskubre,nabulabog)​