Sagot :
Base sa kontekstong binigay ng pangungusap ang kahulugan ng salitang magmaktol ay d. Magtampo.
Ang salitang magmaktol ay salitang naglalarawan na tumutukoy sa tugon ng isang tao matapos may mangyaring hindi kaaya-aya sa kanya. Masasabing nagmamaktol ang isang tao kung bakas sa kanyang mukha ang sama ng loob o di kaya kapag may galit itong binubulong sa kanyang sarili. Ang salitang ito ay may konotasyon ng pagiging ugaling-bata dahil madalas itong gamitin sa mga batang nagdadabog matapos hindi makuha ang kanilang gusto. Madalas na negatibo ang gamit ng salitang ito.
Narito pa ang ilang halimbawa kung paano gamitin ang salitang maktol sa pangugusap:
- Wala siyang inatupag, puro pagmamaktol lang ang alam niyang gawin sa buhay!
- Kahit trenta’y singko na si Anne parang gusto niyang magmaktol sa hirap ng trabaho niya. Gusto na lang niyang maging bata ulit na hindi inaalala kung saan kukuha ng pangkain at pambayad ng renta.
- Walang madudulot ang pagmamaktol.
Para sa dagdag na kaalaman sa iba pang salitang Filipino at ang kahulugan nito: https://brainly.ph/question/7886010
#SPJ4