Ang Ibong Adarna ay isang koridong Tagalog na isinulat ng hindi kilalang may-akda. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania.
Akda ito na umiikot sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.
Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay maaaring hango sa mga kwentong-bayan ng iba't ibang bansa, tulad ng Alemanya, Denmark, Romania, Austria, Finland, Indonesia at iba pa.