Sagot :
Nepotismo ang tawag sa pagluluklok sa posisyon sa gobyerno ng mga kamag-anak, kaibigan, at iba pang kakilala ng mga nasa puwesto.
Bagama’t talamak ito sa bansa partikular sa mga lokal na pamahalaan, ipinagbabawal naman ito ng Komisyon sa Serbisyo Sibil (Civil Service Commission) dahil alinsunod sa Artikulo IX (B), Seksiyon 2 (2) ng Konstitusyong 1987, “Ang mga paghirang sa serbisyo sibil ay dapat gawin lamang ayon sa kanilang merito at kabagayan na pagpapasyahan…”
Maging ang pangulo ng Pilipinas ay pinagbabawalang magtalaga ng “asawa at mga kamag-anak… sa dugo o sa relasyon hanggang sa ikaapat na antas sibil, sa taning na panahon ng kanyang panunungkulan…” sa ilang posisyon alinsunod sa Artikulo VII, Seksiyon 13 (2) ng konstitusyon.
Ang nepotismo ay itinuturing ng CSC na uri ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan dahil ipinagkakait nito ang pagkakapantay-pantay sa pagtatrabaho sa gobyerno. Talamak sa bansa ang “palakasan” at padrino at isang hamon para sa CSC ang paglaban sa nepotismo.
Basahin dito ang paraan upang maiwasan ang nepotismo: https://brainly.ph/question/2643712?referrer=searchResults
#SPJ1