Dahil ang Pilipinas ay kabilang sa Ring Of Fire ay mas madalas tayo makaranas ng pagsabog ng bulkan at paglindol.
Ito ay matatagpuan sa karagatang Pasipiko na naglalaman ng karamihan ng mga bulkan sa mundo. Hindi dahil Ring Of Fire ay hugis bilog ito, sinasabing mas kaanyo nito ang isang horseshoe.
Higit sa 450 na bulkan ang matatagpuan sa rehiyon na ito kabilang na ang Tambora, Krakatoa, Novarupta, Mayon, Pinatubo, Bulusan, Canlaon at marami pang iba.
Marami ang mga bulkan at lindol na nagaganap sa kahabaan ng Ring of Fire dahil nga sa dami ng paggalaw ng tectonic plates sa lugar na ito.
Halos 90% din na lindol ay nagaganap sa Ring Of Fire, katulad ng Tōhoku earthquake and tsunami na naganap sa Japan na kumitil sa higit 15,000 na tao.
Bisitahin lamang ang link sa ibaba para sa iba pang impormasyon:
#SPJ1