II.PANUTO: Piliin ang DP kung tumutukoy sa dokumentaryong pampelikula, TV kung tungkol sa dokumentaryong pantelebisyon at PTV kung nagsasabi tungkol sa parehong dokumentaryo.

_____1. Parehong tumatalakay sa katotohan o realidad ng buhay sa lipunan.

A. DP-Dokumentaryong Pampelikula
B. TV-Dokumentaryong Pantelebisyon
C. PTV -Parehong Dokumentaryo.

_______2. Mas mahaba, mas komprehensibo, sa sinehan ipinalalabas, mas magastos iprodyus.

A. DP-Dokumentaryong Pampelikula
B. TV-Dokumentaryong Pantelebisyon
C. PTV -Parehong Dokumentaryo.

_______3. Mas maikli, ito ay serye ng palabas,maaaring panoorin sa bahay, may pagkakataon na ipinalalabas sa sinehan.

A. DP-Dokumentaryong Pampelikula
B. TV-Dokumentaryong Pantelebisyon
C. PTV -Parehong Dokumentaryo.

_______4. Ang pangunahing layunin ng dokumentaryong ito ay makapagbigay ng impormasyon, manghikayat at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao sa lipunang ginagalawan.

A. DP-Dokumentaryong Pampelikula
B. TV-Dokumentaryong Pantelebisyon
C. PTV -Parehong Dokumentaryo.

_______5. Ito ay isang programa sa telebisyon na naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa isyu o problemang panlipunan, politikal at historikal. Nilalayon ng dokumentaryo na irekord ang ilang aspekto ng katotohanan para makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord na kasaysayan.

A. DP-Dokumentaryong Pampelikula
B. TV-Dokumentaryong Pantelebisyon
C. PTV -Parehong Dokumentaryo.​