Makatutulong sa iyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa mga sumusunod: 1. nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan. 2. naisasalaysay muli ang napakinggang teksto 3. nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay. Inabel A. Timeline –ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng linya. Maaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa o pangyayari na may maikling paglalarawan o detalye tungkol dito. Halimbawa: Timeline ng mga Naging Pangulo ng Pilipinas.