Answer:
Ang abaka (Musa textilis; Ingles: Manila hemp) ay isang espesye ng halamang saging na mula sa Pilipinas, at tumutubo din sa Borneo at Sumatra. Isang pangunahing kahalagan pang-ekonomiya ang halaman dahil sa pag-ani ng pibro nito, tinatawag din na abaka, na kinukuha mula sa isang malaki, talinghaba (oblong) na mga dahon at tangkay. Sa karaniwan, tumutubo ang halaman na may taas na mga 20 talampakan (6 na metro). Ginagamit ang pibro sa paggawa ng mga sinulid at lubid.