Answer:
Johannes Kepler (27 Disyembre 1571 – 15 Nobyembre 1630), isang mahalagang tao sa rebolusyong maka-agham, ay isang Alemang matematiko, astrologo, astronomo, at isa sa mga unang manunulat ng mga kuwentong gawa-gawang agham. Kilala siya sa kanyang mga batas ng paggalaw ng mga planeta, batay sa kanyang mga gawa na Astronomia nova, Harmonice Mundi at ang tekstong aklat na Epitome of Copernican Astronomy. Ang kaniyang pinakamahalagang kontribusyon ay ang kanyang mga batas mosyon na tungkol sa batas ng paggalaw ng mga planeta.