SUKAT NG KANLURANG ASYA?
HUGIS NG KANLURANG ASYA 
ANYO NG KANLURANG ASYA
KLIMA NG KANLURANG ASYA
VEGETATION COVER NG KANLURANG ASYA
KINAROROONAN NG KANLURANG ASYA


Sagot :

Answer:

Kanlurang Asya

Ang kanlurang Asya ay makikita sa kanlurang bahagi ng kontinente ng Asya. Ito ay tinatawag din bilang Middle East Asia. Ang kanlurang Asya ay itinuturing na isa sa pinakamayamang rehiyon sa buong Asya dahil sa malaking bahagdan ng petrolyo at langis na ibinabahagi sa buong mundo ay nagmumula dito. Ito ay kinabibilangan ng:

  1. Bahrain
  2. Iran
  3. Iraq
  4. Israel
  5. Jordan
  6. Kuwait
  7. Lebanon
  8. Oman
  9. Qatar
  10. Palestinian

Sukat ng kanlurang Asya

Ang kanlurang Asya ay mayroong kabuuang sukat na halos 6,255,160 kilometro kwadrado

Hugis ng kanlurang Asya

Ang kanlurang Asya ay mayroong hugis na irregular dahil hindi tiyak ang hugis nito

Anyo ng kanlurang Asya

Ang kanlurang Asya ay mayroong malawak na tuyong disyerto. Gayunpaman, may mga anyong tubig na makikita rito tulad ng:

  • Black Sea
  • Persian Gulf
  • Arabian Sea
  • Red Sea
  • Caspian Sea
  • Mediterranean Sea
  • Aegean Sea

Klima ng kanlurang Asya

Ang kanlurang Asya sa kabuuan ay mayroong tuyong klima. Ito ay tinatawag din na arrid. Mayroon itong continental na klima sa hilagang mga rehiyon, tuyong klima sa timog, at Mediterranean na klima sa kanlurang hangganan.

Vegetation cover ng kanlurang Asya

Dahil sa pagkakaroon ng tuyong kapaligiran, walang natural na wild vegetation ang tumutubo dito. Gayunpaman, sa Karakum Desert makikita ang isang kakaibang puno, ang saxaul. Ang saxaul ay may kakaibang hugis at ito ay walang dahon. Ang pangunahing gamit nito ay bilang panggatong at nagagamit din ito bilang pagkain ng mga camels.

Mayroong 2,000 na species ng halaman ang matatagpuan sa disyerto ng Syria. Sa bundok ng Pontic sa hilagang Turkey makikita ang mga sumusunod:

  • Beeches
  • Conifers
  • Cherry laurels
  • Hollies
  • Creepers

Ang kagubatan na makikita sa Georgia at hilagang bahagi ng bundok ng Eburz sa Iran ay makikita ang mga sumusunod:

  • Holm oak (isang evergreen oak)
  • Aleppo pine (ginagamit sa paggawa ng mga barko)
  • Cistus
  • Mastic tree (na naglalabas ng mabangong resin)

Kinaroroonan ng kanlurang Asya

Ang kanlurang Asya ay makikita sa timog ng silangang Europe. Ito ay napalilibutan ng Caucasus Mountains sa hilaga, sa silangan ay ng gitnang Asya, sa timog ng Africa

Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:

Asya

https://brainly.ph/question/37882

Kultura sa kanlurang Asya

https://brainly.ph/question/467392

Pitong kontinente

https://brainly.ph/question/323848