Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na may
pansariling disiplina ang isang mag-aaral. Maliban kasi sa paghahanda para sa mga
aralin sa silid-aralan, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan ding sumasali sa
iba't ibang gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs, isports, kontes, at iba pa. Idagdag pa ang maraming lakad o gimik ng barkada. Kung kulang sa disiplinang pansarili ang isang mag-aaral ay maaaring maubos ang kanyang oras sa mga gawaing walang kaugnayan sa kanyang pag-aaral at maging isang malaking hámon sa kanya ang pagkakaroon ng hindi lang pasado kundi mahuhusay na marka. Isa sa mga
kinokonsidera sa pagtanggap ng mga mag-aaral sa mga kolehiyo ay kung nababalanse
ba ng mag-aaral ang pagiging abalá sa iba't ibang gawain at ang pag-aaral. Ang
magagandang marka sa kabila ng pagiging abalá ay magpapatunay na nagawa ito.
Naniniwala silang magiging matagumpay sa kolehiyo ang mag-aaral na nagtataglay ng
ganitong katangian.



Mga katanungang nabuo upang maidagdag sa pag-
aaral.