Answer:
Pag-unlad ng bansa
Narito ang mga halimbawa ng slogan sa pag-unlad ng bansa:
"Sa pagkakaisa ng mamamayan, kaunlaran ay makakamtan"
Kung tayo ay magtutulungan, mapapabilis ang pag unlad ng bansa. Kinakailangan natin ng pagkakaisa patungo sa pagkamit ng mabuting hangarin. Bilang mamamayan, responsibilidad natin na tulungan ang ating bansa. Halimbawa, makiisa tayo sa mga tree-planting activities para sa kalikasan ng ating bansa. Sumali din tayo sa mga programa ng pamahalaan
"Isipin ang kabutihan ng ating kapwa, laging tandaan mabuting paggawa"
Ang isa pang hakbang na maaari nating gawin para sa kaunlaran ng bansa ay ang pagtulong sa ating kapwa. Ito ay maipapakita sa pagiging tapat sa trabaho sa lahat ng pagkakataon. Ang pagtulong din sa mga charities o pagbibigay ng donasyon ay malaking tulong sa pag-unlad ng bansa.