1. Anong karanasan ni Donya Maria ang nagturo sa kaniya na makapangyarihan ang pag - ibig ?
a. Inibig niya si Don Juan kahit nakagawa ito ng kasalanan sa kaniya.
b . Nasabi niya kay Don Juan ang sikreto ng kaniyang ama.
c . Nagawa niyang kalabanin at iwan ang sariling ama dahil kay Don Juan.
d . Nagawa niya ang lahat ng utos ng ama.
2. Anong pangyayari sa buhay ni Donya Maria ang naging dahilan upang sabihin niya na ang kaniyang ama ay walang awa sa kaniya na isang anak nito?
a. Binigyan ng mabibigat na pagsubok ni Haring Salermo si Don Juan.
b . Hindi ginantimpalaan si Don Juan matapos magawa ang pitong utos.
c. Pinapili si Don Juan ng mapapangasawa sa tatlong anak subalit pinahirapan pa ito sa pagpili sapagkat nakatago ang mga ito sa silid at tanging hintuturo lamang ang nakalabas.
d . Matapos mapili ni Don Juan si Donya Maria ay nagplano si Haring Salermo upang hindi sila magkatuluyan.
3. Bakit nasabi ni Donya Maria na ang batas ng tao ay liko?
a . Hindi siya sang ayon na kung sino ang nauna ay siyang dapat pakasalan.
b . Sa laki ng kaniyang sakripisyo , hindi niya matanggap na hindi siya ang papanigan ng batas.
c . Para sa kaniya walang batayan ang ibinigay na hatol.
d . Mali ang hatol ng arsopbispo na si Leonora ang dapat pakasalan ni Don Juan.
4. Ano ang nais ipinahihiwatig ng pahayag na ito ni Don Juan ? 1384 " Katungkulan ng palasyo ang pagsalubong sa iyo , ito naman ay dangal kong masasabi sa ama mo . "
a. Ibig niyang patunayan kay Haring Salermo ang marangal at mataas na uri ng pagpapahalaga at pagmamahal sa anak nitong si Donya Maria.
b. Ayaw niyang mapahiya kay Donya Maria.
c. Gusto niyang maipagmalaki ang Berbanya kay haring Salermo.
d. Ibig niyang patunayan na marangal ang kanilang kaharian.
5. Ano ang nais iparating ni Don Juan kay Donya Maria sa pahayag na ito ? 1398 " Limutin ka'y kataksilan magawa ko kaya iyan ? O , buhay ng aking buhay magsabi ang kamatayan . "
a. Ayaw niya na pinagdududahan ang kaniyang katapatan.
b. Walang tiwala sa kaniya si Donya Maria.
c. Pinatutunayan niya na hindi niya kayang kalimutan si Donya Maria.
d. Sinasabi lang niya na hindi siya makakalimutin.