Sagot :
Answer:
oo
Explanation:
Huling liham ni Maria Clara para kay Crisostomo Ibarra
Mahal kong Crisostomo,
Pitong taon na ang nakalipas simula nang huli nating pagkikita.Sariwa pa sa aking alaala ang mga katagang binitawan mo bago ka lumisan, “babalik ako at magpapakasal tayo". Nagkatinginan tayo at ngumiti,ang saya ng kinang ng iyong mga mata nakahuhumaling pagmasdan. Nakakikilig sapagkat ang lalaking aking sinisinta’y pinangakuan akong pakasasalan. Hanggang ngayon... ako’y naghihintay. Lagi akong nagbabakasakaling babalik ka, kung kaya’t parati akong naghihintay sa hardin na ating pinagtatagpuan. Sa mga araw at gabi kong paghihintay at pangungulila, humantong ako sa puntong pinanghinaan ako ng loob. Ang tiwalang akala ko’y hindi matitibag ay tuluyan ng gumuho.Akala ko’y sapat na ang pinagsaluhan nating sandali upang ako’y manatili. Akala ko’y sapat na ang ating mga sumpaan sa ilalim ng milyong milyong liwanag ng mga tala. Ngunit nagkamali ako,hindi pala sapat ang ginawa nating pundasyon ng ating pag ibig. Hindi pala sapat na puro pangako lang at walang gawa. Dahil ang pag ibig ay hindi para sa taong naghihintay at umaasa lang. Naging mali ang ating konsepto. Dapat pala’y dalawang pisikal na katauhan ang palaging nagtatagpo hindi mag isa lang at naghihintay ng walang kasiguraduhan.Dapat pala’y tinatrabaho ang pag ibig aking mahal,hindi umaasa sa abstraktong bagay. Dahil kung mahal mo pala ang isang tao kailangang may pruweba sa bawat bibitawang salita dapat pala’y may produkto sa bawat pangako,kailangan palang mayroong dahilan,may sagot sa bawat katanungan sa lahat ng hakbang.Parehas tayong nagkulang. Ikaw sa gawa at ako naman ay sa tiwala.
Sinulat ko ang liham na ito bago ko tuluyang palayain ang pag ibig kong naluma na ng panahon. Sinulat ko ito, upang ipaalala ang pagmamahal ko sa iyo na kahit sa huling sandali’y muli akong maghihintay. Mahal,sana ako ay iyong mapatawad. Patawarin mo ako sa pagsang-ayon sa desisyon ng aking ama. Paniguradong habang binabasa mo ang liham na ito ay naglalakad na ako patungo sa altar ng simbahang minsan nating pinangarap na magsumpaan. Siguro ay umiiyak ako sa mga oras na ito, hindi dahil masaya ako,ngunit dahil sa wakas ay tinupad na ng tadhana ang ating dalangin ngunit tinupad ko ang pangako mo sa ibang tao. Patawarin mo ako kung nainip ako’t sumuko. Patawarin mo kung naging mahina man ako. Patawad sa hindi paglaban.
Mahal, palayain mo sana ang iyong sarili sa pag ibig kong taksil. Mahal na mahal kita aking Crisostomo,muli ay patawarin mo ako.
Patuloy na nagmamahal,
Maria Clara