Answer:
sang biyaya ang kakayahan ng taong magpahayag sa paraang hindi lamang limitado sa isa. Ngunit ang biyaya ay hindi lamang nagtatapos sa pagkakabigay at pagkakagamit nito. Nararapat lamang na ito ay pagyamanin at paunlarin tungo sa lalo pang ikahuhusay ng tao sa pangkalahatan. Masasabing hagdan-hagdan paitaas ang pagpapaunlad sa ating kakayahan kung kaya hindi rin nananatili sa pagiging mahusay lamang ang ating kakayahang komunikatibo. Kailangan itong tumaas ng antas o umakyat pa ng isang baitang sa hagdan at maging mabisa upang maging ganap ang pagtawag dito ng “kakayahang komunikatibo” kung kailan lumalampas na ito sa sarili at umaabot na nang epektibo sa iba pa nating kasalamuha sa lipunan.
Explanation:
SANA MAKA TULONG