Answer:
Ang Parthenon (Griyego: Παρθενών) ay isang templong Sinaunang Griyego sa Acropolis ng Atenas, Gresya na inalay sa diyosang si Athena na itinuring ng mga mamamayan ng Atenas na kanilang patron. Ang pagtatayo nito ay nagsimula noong 447 BCE nang ang Imperyong Ateniano ay nasa tugatog ng kapangyarihan nito. Ito ay nakumpleto noong 438 BCE bagaman ang pagpapalamuti ng gusali ay nagpatuloy hanggang 432 BCE. Ito ang pinakamahalagang nakaligtas na gusali ng Gresyang Klasiko na pangkalahatang itinuturing na kulminasyon ng orden na Doriko
Explanation:
i don't know kung tama
burahin mo nalng kapag mali:(