Kaya naman, sa pagkakataong ito, ikaw ay hinahamong bumuo ng isang ISLOGAN tungkol sa nakikita mong maaaring Positibo o Negatibong Epekto ng umiiral na Demokrasya sa bansang Pilipinas. Ikaw ay maaari pumili kung ang nais mong gawan ng islogan ay ang positibong epekto o negatibong epekto ng Demokrasya sa ating bansa. Maaari mo rin itong gawin sa tulong ng anomang apps katulad ng canva, PowerPoint, Microsoft word o maging sulat kamay upang maipakita ang pagiging malikhain mo. Sa pagbuo nito, gamiting gabay ang halimbawa at pamantayan sa pagmamarka na nasa ibaba. Simulan mo na. Pagbutihin! Halimbawa: ● Demokrasya'y pag-ingatan ng mamamayan tungo sa maunlad na kinabukasan. ● Demokrasya'y sandigan ng isang makatarungan at mapayapang bayan. ● Demokrasya'y pagningasin sa ating mga puso at damdamin upang makamit minimithing hangarin. ● Alagaan at pahalagahan ang demokrasya tungo sa bagong pag-asa.​