BUOD Mababasa sa bahaging ito ang mga alaala ni Florante kaugnay ng pinakamamahal niyang si Laura na siyang nagbibigay-lakas at pag-asa sa kanya. Ngunit ang magagandang alaalang ito ay nasasalitan ng selos o panibugho sa pag-iisip na si Laura ay masaya na sa piling ni Adolfo habang siya'y nagdurusa. Subalit sa muling pagliliwanag ng isipan ay nababatid niyang dakila ang pag-ibig ni Laura para sa kanya kaya't hinihingi niya ang pagdamay ng dalaga sa kanyang kalagayan. Gayunpama'y muli't muling nagbabalik ang kawalang pag-asang ipinakikita ng pagkayukayok niya habang nakagapos. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano-anong gunita o alaala ang nakabawas sa pagdurusa ni Florante?
2. Anong uri ng kasintahan si Laura? Ano-ano ang mga ginagawa niyang nagpapatunay na tunay at wagas ang kanyang pagmamahal kay Florante?
3. Bakit sa kabila ng mga naaalalang mabubuting katangian at wagas na pagmamahal ni Laura sa kanya ay nakararamdam pa rin ng selos o panibugho si Florante?
4. Tama bang isipin niyang tinalikuran na siya ni Laura at sila ngayon ni Adolfo ay magkasama at masaya sa piling ng isa't isa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Paano nakaapekto kay Florante ang ganitong mga negatibong alalahanin? 6. Kung mapagpapayuhan mo si Florante, ano ang sasabihin mo sa kanya upang maiwasan niyang magselos at mag-isip na hindi naging tapat sa kanya ang kanyang kasintahan?​