Answer:
Edukasyon ang susi para sa magandang kinabukasan ng isang indibiduwal pati na rin ng kanyang bansa. Ilan lamang ng resulta ng magandang sistema at libreng edukasyon ay ang tumataas ng ekonomiya, mas nagiging produktibo ang mga manggagawa, tumaas ang kalidad ng edukasyon, yumayabong ang pamumuhay ng bawat Pilipino. Ngunit paano natin makakamit ang mga magagandang benipisyo ng edukasyon kung mahal ang matrikulang binabayad para sa kolehiyo. Nakakalungkot isipin na hindi kayang makapag-aral ng mga mahihirap sa ganitong sistema ng Pilipinas. Nawawalan ng oportunidad ang mga mamamayang Pilipino na kapos-palad upang makapag-aral at gumanda ang buhay.