ano ano Ang pangyayari Ang nagbigay daan sa pagwawakas Ng Batas militar​

Sagot :

Ang patuloy na paglaganap ng kahirapan ng bansa at paglaganap ng paglabag sa karapatang pantao ang nagpasidhi sa damdamin ng mga kilusang tulad ng New People's Army (NPA) at Moro National Liberation Front (MNLF) upang lumaban sa mapaniil na pamahalaan. Sa kabila rin ng pagbabawal ng pamahalaan, ilang sektor din ng lipunan an kumalaban sa administrasyon ni Marcos. Ang sanggunian ng mga mag aaral (Student Council) ay muling naitatag sa panginguna ng ilang mga mag aaral na nananawagan sa panunumbalik ng malayang pamamahayag sa mga kolehiyo at pamantasan.