pakiayos po ng sagot​

Pakiayos Po Ng Sagot class=

Sagot :

Answer:

Ang Komunísta ay isang tao o pangkat na nagtataguyod ng komunismo, na maaaring tumukoy sa: (1) teorya ng panlipunan at pang-ekonomiyang organisasyon, pangunahing isinulong ni Karl Marx, at nagtataguyod na maging pag-aari ng madla ang buong sistema ng produksiyon, ng pantay na pagbabahagi ng mga bunga ng paggawá, at ng pagtatatag ng isang lipunang walang tunggalian ng mga uri; at (2) rebolusyonaryong kilusang pampolitika na nagtataguyod sa teoryang ito at naglalayong magtatag ng isang pandaigdigang lipunan na walang mga uri, at pag-aari ng madla ang mga yamang produktibo na ginagamit para sa pakinabang ng lahat.

Noong 7 Nobyembre 1930, itinatag ang Partido Komunista ng Pilipinas na tinatawag ngayong PKP-1930 upang ibukod ito sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) na itinatag naman ni Jose Maria Sison sa Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968. Naunang idineklarang ilegal ng kolonyalismong Americano ang PKP-30 bago ito nanguna sa kilusang mapaghimagsik laban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang tagapanguna ng Hukbalaháp o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon. Subalit nagbalik sa pagiging gerilya ang mga Huk matapos ang digmaan nang hindi silá hinayaang humawak ng puwesto sa gobyerno. Sang-ayon na- man sa kanilang saligang-batas, ang Partido Komunista ng Pilipinas ni Sison ay isang rebolusyonaryong partidong proletaryo na humahango umano ng aral mula sa lahat ng nakaraang rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanang Filipino at mula sa mga dakilang aral nina Marx, Engels, Stalin, at Mao Tsetung. Umaagapay ito sa pagsulong ng teorya at praktika sa pandaigdigang rebolusyong proletaryo na pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung. Nakikilahok ito sa “digmaang bayan” sa pamamagitan ng armadong sangay nitó, ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) o New People’s Army (NPA) na itinatag noong 29 Marso 1969. (ECS)

Explanation:

Ano ang Demokrasya:

Ang demokrasya ay isang anyo ng pamahalaan ng estado kung saan ang kapangyarihan ay isinasagawa ng mga tao , sa pamamagitan ng lehitimong mga mekanismo ng pakikilahok sa pampulitika na pagpapasya.

Etymologically, ang salita ay nagmula sa Greek δημοκρατία (demokrasya), na binubuo ng mga salitang δῆμος (démos), na nangangahulugang 'mga tao', at κράτος (krátos), na nangangahulugang 'kapangyarihan'. Sa gayon, ang demokrasya ay ang pamahalaan ng mga tao.

Ang terminong demokrasya ay pinalawak sa mga komunidad o organisadong grupo kung saan ang lahat ng mga indibidwal ay lumahok sa paggawa ng desisyon sa isang participatory at pahalang na paraan.