B. Ang mga sumusunod ay may kaugnayan sa pinagmulan ng Pilipinas. Tukuyin kung ito ay mito o relihiyon. _____________1. Labanan ng langit at dagat _____________2. Paglalaban ng tatlong higante gamit ang mga bato at lupa _____________3. May higit na puwersa na naglalang sa daigdig _____________4. Paghiling ng Punong Pinagmulan na magkaroon ng lupa at kagubatan na madapuan nag ibon. _____________5. Ang Diyos ang may likha ng sandaigdigan. III. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Kailan nagpatuloy na maglakbay ang ibang pangkat ng Austronesian patimog mula sa kapuluan ng China? a. 1500 B.C.E. b. 7500 B.C.E. c. 4500 B.C.E. d. 6500 B.C.E. 2. Ayon sa Banal na Bibliya, lahat ng lalaki at babae ay nagmula sa unang lalaki na si __________ at sa unang babae na si _____________ na nilikha ng Diyos. a. Noe at Teresa b. Jose at Maria c. Adan at Eba d. Eba at Adan 3. Ayon sa mitolohiya ng Luzo, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas? a. Sicalac at Sicavay b. Malakas at Maganda c. Mag-asawang Mandayan d. Uvigan at Bugan 4. Ayon kay Peter Bellwood, kailan dumating sa Pilipinas ang mga Austronesian? a. 2500 B.C.E. b. 3700 B.C.E. c. 4300 B.C.E. d. 6300 B.C.E. 5. Sinong arkeologong Australian ang nagsabing ang mga Austronesian ang mga ninuno ng mga Filipino? a. Wilhelm Solheim II b. Peter Bellwood c. Felipe Landa Jocano d. Henry Otley Beyer 6. Ayon sa aklat ng Genesis, sa anong araw nilikha ang mga unang tao? a. Ika-pitong araw b. Ika-tatlong araw c. Ika-anim na araw d. Unang araw 7. Mula sa aklat ng _________________ sinasabing nilikha ng Diyos ang mga tao? a. Genesis b. Roma c. Mateo d. Juan 8. Ayon sa mitolohiya ng Visayas, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas? a. Sicalac at Sicavay b. Uvigan at Bugan c. Mag-asawang Mandayan d. Malakas at Maganda 9. Saan matatagpuan ang mga lipi ng mga Austronesyano? a. Mandagascar ng Timog Africa b. Timog-Silangang Asya c. Samoa d. Malaysia 10. Ayon sa mitolohiya ng Mindanao, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao sa Pilipinas? a. Malakas at Maganda b. Mag-asawang Mandayan c. Uvigan at Bugan d.Sicalac at Sicavay ​