GAWAIN A. Panuto: Lagyan ng Tsek (/) kung ang pahayag ay naglalarawan ng gawaing pansibiko at Ekis (x) kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. pakikipagbayanihan

2. pagsama sa barkada

3. pagtulong ng walang kapalit

4. panonood ng balita sa telebisyon

5. ang pagkukusang loob na pagtulong



GAWAIN C. Panuto: Piliin kung Pangmatagalan o Panandalian ang epekto ng gawaing pansibiko sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.


1. Hinikayat ni Aling Andra ang mga kapitbahay na paghiwalayin ang mga basura nabubulok at di-nabubulok bilang pagsuporta sa programa ng kanilang barangay hinggil sa pangangalaga sa kalikasan.


2. Ang Education Foundation ni Vice Ganda ay marami ng napagtapos na kabataan sa pag-aaral.


3. Tinulungan ni Gillian ang matandang lalaki na makatawid sa kalsada.


4. Ang magkakaibigan na sina Paul at Lloyd ay nagbigay ng mainit na sopas sa mga nasunugang pamilya sa kanilang lugar.


5. Ibinahagi ng Hands on Manila ang programa sa paggawa ng sombrero para sa mga Igorot sa Baguio.​