Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. 1. Ano ang isang paraan ng ugnayan ng mga lalawigan sa rehiyon? A. Festival B. Beauty Contest C. Ballroom Party D. Bagong Taon 2. Ang isang lalawigan ay isang kapatagan na napapalibutan ng bulubunduking lugar. Saan ito mag aangkat ng produktong dagat? A. Sa karatig lalawigan na nasa tabing dagat B. Sa karatig lalawigan na nasa tuktok ng bundok C. Sa malayong lalawigan na nasa tabing dagat D. Sa malayong lalawigan na nasa tuktok na bundok 3. Maraming lungsod ang nag-aangkat ng mga produktong pang-agrikultura katulad ng palay at mais sa karatig na lalawigan. Alin kaya ang maaaring dahilan nito? A. Tamad ang mga taga-lungsod kaya hindi ito nagtatanim. B. Walang sakahan ang lungsod dahil pinatatayuan ito ng mga gusaling pang komersyo. C. Maraming sakahan sa lungsod ngunit walang gustong magtanim ng palay at mais. D. Maraming anyong-lupa at anyong-tubig ang mga lungsod. 4. Saan maaaring mag-angkat ang mga taga-lungsod ng mga produktong tulad ng karne? A. Sa mga lalawigan na nasa tabing dagat B. Sa mga lungsod na maraming modernong opisina C. Sa mga lalawigan na maburol D. Sa mga lalawigan na maraming minahan 5. Saan maaaring iluwas ng mga lalawigan na sagana sa yamang dagat ang kanilang mga produkto? A. Sa mga lalawigan sa tabing dagat B. Sa mga malalayong lungsod C. Sa mga malalayong lalawigan sa kabundukan D. Sa mga karatig na lungsod