KABANATA 2 - Sa Ilalim ng kubyerta
Sa kabanatang ito, matutunghayan mong malayo ang agat ng kalagayan ng mga pasahero sa itaas ng bapor kaysa sa ilalim na palapag nito-mainit, masikip, at mahirap ang kondisyon ng paglalakbay. Makikita rito ang karaniwang eksena kapag bakasyon ang mga mag-aaral. May mga tahimik at magugulong estudyante kapag nagsama-sama. Matutunghayan mo rin dito ang masisipag, pagod, at puyat na mangangalakal na Intsik. Ang iba namang pasahero ay nanonood ng tanawin sa ilog, nagbaraha, at mga tulog. Hindi alintana ng magkaibigang Basilio at Isagani ang ibang pasahero dahil servoso silang nakikipag-usap sa mayamang si Kapitan Basilio na taga-San Diego. Isinusulong ng magkaibigan at ng iba pang makabagong mag-aaral ang pagtatag ng akademya para sa pagtuturo ng wikang Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio walang mararating ang kanilang panukala. Marami ang hindi naniniwalang mai-atayo ito at maging si Simoun ay salungat din subalit matatag at pursigido ang magkaibigan dahil alam nilang mabuti ang kanilang layunin at bukod dito ay nakahanda na ang lahat ang mga gagastusin, ang magtuturo, at ang gagamiting paaralan.
I hope this one helps!