matatandang nai Gawain 2 Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin ang pinakaangkop na pagkilos sa ganitong mga pagkakataon. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Humupa na ang napakalakas na bagyo na nanalasa sa inyong bayan. Nakita mong tulong-tulong ang lahat sa paglilinis ng inyong pamayanan. Ano ang nararapat mong gawin? A. Manatili na lamang sa loob ng bahay. B. Lumahok sa nagaganap na paglilinis sa abot ng makakaya. C. Magpanggap na walang alam sa nangyayaring gawain ng pamayanan. D. Hayaan na ang mga matatanda at opisyales ng baranggay ang gumawa nito dahil kanila itong tungkulin. 2. Nais magbigay ng tulong ng iyong pamilya sa nasunugan ninyong kabaranggay. Ano ang maaari mong magawa? A. Hayaan na lamang sa mga kapatid at magulang ang paghahatid ng tulong. B. Tumulong sa paghahanda ng mga ibabahaging pagkain o damit para sa mga nasunugan. C. Magboluntaryong magbantay sa bahay sa oras ng paghahatid ng mga magulang ng tulong. D. Magpanggap na may masamang nararamdaman at kailangang sa bahay na lamang muna upang makapagpahinga.​