1 Unang Dahilan Digmaang Mahalagang Pangyayari Pandaigdig Bunga


Sagot :

Ang ugat ng giyera ay ang hindi pagtanggap ng mga Aleman sa kanilang pagkatalo sa Unang Pandaigdigang Digmaan at ang pagtatag ng mahinang republika. Isa rin ang mahinang pamumuno ng Liga ng mga Nasyon. Nag ugat noong paglusob ng Germany sa bansang Poland, unti unting kinain ng Nazi ang buong Europa. At sumunod ang Belgium at Netherlands matapos ay ang pagbagsak ng Pransya. Naganap pa ang malawakang pagpatay sa mga Hudyo. Nagbukas ang Pasismo sa Italya at walang habas na sinakop ang Africa. Sa silangan, sinakop ng Imperyong Hapon ang higit sa Asya. Matapos makalikom ng lakas at marahas na pagkatalo ng Germany sa Kanlurang Ruso, lumabas ang laban sa Normandy at natalo ang Germany. Sa Asya, ibinagsak ang dalawang bomba atomika sa Nagasaki at sa Hiroshima matapos ang malawakang pagbalik sa lupain sa Pilipinas. Natapos ang giyera nang milyong milyon ang namatay at ang buong mundo ay mahina. Nabuo ang Nagkakaisang Bansa at natibag ang rehimeng Nazismo, Pasismo at ang Imperyong Hapon.