Answer:
SILANGANG ASYA
Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang Kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga Kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito. SILANGANG ASYA Isa ang bansang Portugal sa mga Kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.
TIMOG SILANGANG ASYA
Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng mga bansa sa Timog Silangang Asya noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Karamihan ng mga daungan sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga Kanluranin. Ang mataas na paghahangad na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na sakupin ang Timog Silangang Asya. TIMOG SILANGANG ASYA Nauna ang mga bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya sa Timog Silangang Asya. Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England at France.
Explanation:
Hope it's helpful