sagutan ang gawaing ito Gawain 1: Pagsunod-sunurin Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa nakaraang aralin ng Modyul 5. Lagyan ng titik A-J ang patlang bago ang bilang. ______ 1. Nagpasya si haring Fernando na ganapin ang pag-iisang dibdib ni Don Juan at Leonora sa Linggo. ______ 2. Nais ni Haring Salermo na ipagkasundo si Don Juan sa kapatid niya sa Inglatera. ______ 3. Nagbalik sa alaala ni Don Juan ang nangyari sa kanila ni Maria Blanca. ______ 4. Nagpakita ng isang palabas si Maria Blanca sa katauhan ng Negrito at Negrita. ______ 5. Nagluksa ang buong reyno nang yumao sina Don Juan at Maria Blanca. ______ 6. Hiniling ni Haring Salermo sa Panginoon na si Maria Blanca ay gagapang na parang kuhol. ______ 7. Galit na ibinuhos ni Maria Blanca ang tubig sa prasko matapos niyang marinig ang hatol ng arsobispo na si Leonora ang karapat-dapat na pakasalan ni Don Juan. ______ 8. Pinutungan ng korona at diyadema sina Don Juan at Maria Blanca nang sila ay bumalik sa Reyno Delos Crystales. ______ 9. Ibinigay ni Haring Fernando kay Don Pedro ang sentro at siya ang inatasan na maghari sa reyno. ______ 10. Nagalak ang lahat nang dumating si Don Juan sa Berbanya.