Tuklasin Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
TITLE : UPCYCLE
Ang magkaibigang Mabel at Cherry ay parehong mag-aaral sa Grade 5- Hydrogen. Isang umaga sa asignaturang EPP ay inatasan silang gumawa ng proyekto gamit ang mga single use plastic bottle na basurang nakakalat matapos ang piyesta ng baranggay. Pinagplanuhan nang mabuti ng magkakaibigan ang gagawin. Napagdesisyonan nila na gumawa ng lampshade na ginagamitan ng elektrisidad. Pinag-aralan nilang mabuti kung paano nila gagawin ang nasabing proyekto hanggang sa nakabuo silang plano na tinawag nilang Project Lampshade. Nagpatulong naman sila sa kani-kanilang mga tatay lalong-lalo na sa aspetong elektrisidad dahil ito ay mapanganib para sa kanila. Dumating ang araw na ipinasa na nila ang kanilang proyekto. Tuwang-tuwa ang kanilang guro na si G. Padz sa naging kinalabasan ng proyekto. Hindi niya inaasahan na gawa sa recyclable na materyales ang lampshade dahil sa Upcycle na ginawa ng magkakaibigan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
•Anong proyekto ang binigay kina Mabel at Chery? •Bakit tuwang-tuwa sa G. Padz sa kanilang proyekto? • Paano naging matagumpay ang kanilang ginawang proyekto? •Ipaliwanag Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng plano sa paggawa ng isang proyekto?