JHS LEVEL
Mga Bampira
Magkakatulad ang detalye sa maraming kuwento tungkol sa mga bampira.
Bumabangon sila sa
gabi at muling humihimlay sa kani-kaniyang kabaong bago pumutok ang liwanag. Naglilibot sila sa gabi sa
paghahanap ng mabibiktima. Ganito ang ipinakikita sa mga pelikula hinggil kay Drakula. Uhaw sa dugo ang
mga bampira. Sa lahat ng kaugnay na kuwento, pinalilitaw na sumasailalim muna ang biktima sa hipnotismo
upang tuluyang hindi siya makatanggi sa mga nakabibighaning mata ng bampira.
1. Ano ang katangian ng mga bampira?
2. Paano sila makakahanap ng mabibiktima?
2. Kung ikaw ang makatagpo ng bampira, ano ang gagawin mo?​