bakit sumiklab and ikalawang digamaang pandaigdig?​

Sagot :

Answer:

ang kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Poland. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran, hilaga, at timog ng Poland noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Poland. Nang sumuko ang Poland, sila'y pinalipat sa Romania. Ang hukbong Nazi ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940 upang tulungan ang mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland, Yugoslavia, Ukraine, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon. Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang United States sa digmaan. Habang nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon. Inilarawan itong bilang ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-atake ng walang anunsyo o deklarasyon. Pagkatapos ng pitong oras, nagsimulang umatake ang Japan sa mga bansang nasa timog-silangang Asia tulad ng Pilipinas, Hong kong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa sa timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at pinatay.

Explanation: