Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t-ibang seleksyon. Suriin kung ito ay piksyon o di-piksyon. Isulat ang sagot sa patlang.

_____22. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.

_____23. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok.

_____24. Ang pagtatanim ng punongkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang suliraning ito.

_____25. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.​