DIVISION OF GEN. TRIAS CITY Project ISULAT - ACTIVITY SHEETS in Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 (Intensified Support to Learning Alternatives Through Activity Sheets) AGRICULTURE GRADE 4 QUARTER 4-WEEK 1: Mga Kapakinabangan sa Pagtatanim ng mga Halamang Ornamental Pangalan ng Mag-aaral: Guro: Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC): • Naisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang pagkakakitaang gawain. Code: (EPP4AG-0a-1) Mga Layunin: 1. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental para sa pamilya at pamayanan. 2. Nakapagpaplano at nakasasagawa ng pagtatanim ng halamang ornamental. 3. Napapahalagahan ang magandang naidudulot sa ating kapaligiran ng pagtatanim ng halamang ornamental. EPEKTIBONG TUON Gawain Bilang 1: Sa araling ito, matututuhan mo ang kahalagahang dulot ng paghahalamang ornamental sa kapaligiran at sa kabuhayang pamilya. Maasahan mong malaki ang maibabahagi ng gawaing ito hindi lamang sa sarili at pamilya bagkus sa bayan. Panuto: Obserbahan ang larawan na nasa ibaba. Magbigay ng iyong saluobin o opinyon patungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa patlang na nakalaan. gardening-cartoon-compositio LMOST E COMPE CONT TV LEA O