Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel. 1. Ang paggamit ng o PPE ay malaking tulong upang maiwasan ang anumang aksidente sa paggawa. a. Personal Pact Equipment c. Protective Pact Equipment b. Personal Protective Equipment d. wala sa nabanggit. 2. Huwag kalimutang maghugas ng at maligo pagkatapos gumawa ng abonong organiko. a. paa c. ulo b. kamay d. siko na 3. Tiyaking nasa maayos na kondisyon ang lahat ng mga gagamitin sa paggawa ng abono. a. kagamitan c. makina b. plastic d. wala sa nabanggit 4. Ang mga sumusunod na pangungusap ay pawang mga pamamaraan ng pag-ingat sa paggawa ng organikong pataba maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang? a. Sa pagbubuhat ng mabigat, tiyaking hindi balanse ang hinahawakan. b. Maglaan ng maayos na lalagyan sa ginawang abonong organiko. c. Hugasang mabuti at itago ang mga kasangkapang ginamit sa permanenteng lugar upang hindi ito masira at maka-aksidente. d. Pagkatapos ng paggawa, maghugas nang mabuti ng kamay at maligo. 5. Anu-ano ang tamang pamamaran at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko? 1. Tiyaking angkop ang kasangkapan sa gawaing paggagamitan.​