Subukin Handa ka na ba sa bagong aralin? Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Bilugan ang mga salitang kilos na ginamit sa pangungusap. maaari mo ng laktawan Kapag tumpak lahat ang iyong sagot sa gawaing ito, ang modyul. Subalit, kapag isa hanggang apat lang ang iyong wastong sagot ay dapat mong ipagpatuloy pa ang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. 1. Naghuhugas ng mga pinggan si Jairon. 2. Kumain ka na ba ng agahan, Josh? 3. Sumusunod ba ang mga drayber sa ilaw-trapiko? 4. Bumili si Nanay Liza ng mga gamot noong Linggo? 5. Sasali ka ba sa paligsahan ng pag-awit sa susunod na buwan?