Panuto: Iguhit ang bituin (⭐) sa sagutang papel kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pangangalaga sa mga kagamitan at tatsulok (∆) kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.
1. Iniwan ko sa mesa ang pinggan, kutsara, tinidor at baso na ginamit ko sa pagkain.
2. Hinihikayat ko ang aking mga kapatid na gamiting muli ang likod ng mga papel at kuwaderno na wala pang sulat.
3. Iniingatan ko ang mga kagamitan sa aming bahay upang hindi masira.
4. Ginamit kong panggatong ang pintuan ng aming kabinet.
5. Gumagamit ako ng palanggana kung ako ay naghuhugas ng pinggan.