Kahalagahan ng relihiyon, sining, panitikan, at kultura ng pilipinas​

Sagot :

Answer:

Kahalagan ng relihiyon- Ang relihiyon ay mahalaga sa buhay ng tao. Isa sa mga kahalagahan ng relihiyon sa buhay ng tao ay ang pagsisilbi nitong gabay sa buhay natin. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon ng direksyon ng buhay ang bawat isa. Ito ang nagsisilbing gabay nila sa paggawa ng tama. Dahil dito, sila ay nakakadesisyon ng tama mula sa mali.

Kahalagahan ng sining- mahalaga ang sining sa buhay ng tao maari kasi itong makatulong sa kanila upang maipakita at ibahagi nila ang kanilang natatagong talento sa pamamagitan ng pag sayaw, pag kanta, pag awit at iba pa

Kahalagahan ng panitikan- Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang atingpinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.

Kahalagahan ng kultura ng Pilipinas- Ang Kultura ay napakahalaga sa isang lugar o bansa . Ito ay sumasalamin sa mga paniniwala,kaugalian at mga nakasanayang gawain ng mga tao . Ang kultura ay nagmula sa ating mganinuno na siyang nagpalaganap at nagkalat nito hanggang sa nagkapasa-pasa.