1. Ano ang tawag sa pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangagalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
A. Bayanihan B. CPR C. Medikasyon D. Pangunang lunas
2. Bakit mahalaga ang pangunang lunas?
A. Naiibsan ang sakit na nararamdaman ng biktima B. Napapaginhawa ang pakiramdam ng biktima C. Nadudugtungan ang buhay ng biktima habang wala pa ang manggagamot D. Lahat ng nasa itaas na nabanggit.
3. Ano ang dapat mong gawain upang magkaroon ng kasanayan sa paglapat ng pangunang lunas?
A. Manood sa naglalapat ng pangunang lunas B. Sumailalim sa isang aralin at pagsasanay C. Magpaturo sa kaibigan o kaklase D. Magsanay mag-isa.
4. Paano maiiwasan ang dagdag pinsala o paglala ng pinsala o karamdaman?
A. Pagsugod kaagad sa pagamutan B. May mga kalalakihang magbubuhat sa biktima C. Maghanap ng mga kagamitan at gamut sa paglalapat ng pangunang lunas D. May sapat at wastong kasanayan sa iba’t-ibang pinsala o karamdaman.
5. Bakit kailangang suriin muna ang biktima ng sakuna bago lapatan ng pangunang lunas?
A. Alamin kung humihinga pa B. Alamin kung ilang Doktor ang kailngan C. Maghanap ng pagamutan kung saanmaaaring dalhin D. Tukuyin ang nararapat sa pangunang lunas ang ilalapat