alamat na sinulaysay ni padre ​

Sagot :

Answer:

El Filibusterismo:

Kabanata 3: Ang Mga Alamat

1.) Ilahad ang tatlong alamat na pinag - uusapan. Isalaysay ang bawat isa sa limang pangungusap.

Alamat ng Malapad na Bato

Ang alamat na ito ay tungkol sa malapad na bato na pinaniniwalaang pinaninirahan ng mga espiritu. Isinalaysay ito ng Kapitan - Heneral bilang ala - ala sa daang tinatahak ng Bapor Tabo. Dumating ang mga tulisan at nanirahan sa lugar na ito. Pinaniniwalaan na ang mga espiritu ay sumanib sa mga tulisan. Ayon sa alamat, ang dahilan kumbakit walang takot ang mga tulisan ay bunga ng pagsanib ng mga espiritu sa kanila.

Alamat ni Donya Geronima

Ang alamat na ito ay tungkol sa isang magkasintahan sa Espanya. Ayon sa salaysay ni Padre Florentino, ang lalaki ay isang arsobispo samantalang ang dalaga ay mapagbalat - kayo. Naitalagang maging arsobispo ang binata sa Maynila samantalang ang babae ay ikinubli sa isang kweba. Nangako ang arsobispo na pakakasalan niya ang dalaga kaya naman nagtiis itong tumira sa kwebang malapit sa Ilog Pasig.

Alamat ni San Nicolas

Ang alamat na ito ay tungkol sa isang taong nagnangangalang Nicolas na nailigtas mula sa pagkasawi. Si Nicolas ay nakaligtas mula sa buwaya pagkaraang ito ay mahulog sa ilog. Ang dasal ng isang Intsik ang sinasabing nakapagligtas kay Nicolas. Ang dasal na ito ay nagawang mga bato ang mga buwaya. Bunga ng himala kaya naman binasbasan siya na maging San Nicolas.

2.) Isa-isahin ang mga tauhan sa Kabanata 3 .

Mga Tauhan:

Ben Zayb - ang mamamahayag na hindi totoo sa kaniyang mga salita at mahilig magsulat ng mga balitang hindi napatunayan.

Donya Victorina -  ang tiyahin ni Paulita Gomez na asawa na man ni Don Toburcio at nagnanain na kilalanin bilang isang Espanyola.

Kapitan Basilio - ang naging kapitan ng Bayan ng San Diego na naging ktunggali ng ama ni Simoun sa usapin sa lupa.

Padre Florentino - ang kurang amain ni Isagani.

Padre Sibyla - paring Dominikano na palihim na nagmamatyag sa mga kilos ni Crisostomo Ibarra.

Simoun - ang pangunahing tauhan sa nobela na siyang bagong katauhan ni Crisostomo Ibarra. Nagpakilala siya bilang isang mayamang alahero.

3.) Paano maiiugnay ang alamat ng milagro ni San Nicolas sa buhay ni Simoun?

Ang alamat ni San Nicolas ay inihahalintulad sa buhay ni Simoun na matapos mahulog sa ilog matapos ang pagtugis sa kanya ng alperes at ng mga guwardiya sibil ay nakaligtas sa tulong ng isang kaibigan sa katauhan ni Elias. Nang siya ay makaligtas nagpasiya siyang baguhin ang kaniyang pagkakakilanlan at ang kaniyang katauhan mula sa pagiging Crisostomo Ibarra sa pagiging Simoun.

Explanation: